Kailan Nga Ba?
Kailan nga ba magiging malaya, Ang kaluluwa ng munting bata? Nakapreso sa mga bisig ng magulang. Nawawalan na ng sariling karapatan. Ang munting bata na mangmang, Walang alam kundi sundan, Ang payo ng mga magulang, Kahit na wala naman silang alam. Saan nga ba paroroon, Ang pagpatak ng mga luha? Kahit anong pagsigaw ang gawin, Hindi na magiging malaya pa. Kung lahat ng pangyayari, Ay sinasabing may dahilan, Bakit ang aking kalayaan, Hindi kayang mapagbigyan? Tama pa ba ang nangyayari? Tila hindi ko na maintindihan. Sapagkat ang karapatan sa sarili, Wala ng saysay sa pinagpipilitan. Wala ng oras pa para alamin, Ang katotohanang kailangan. Sa mga mata ay masasalamin, Ang paghikbi ng isang mangmang.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
