Kahit may iba kana
Isang saglit, isang tingin mundo ko'y biglang natigilan Nang masilayan ang iyong mga ngiting 'di ko inaasahan Para kang isang bituin na sa lupa'y bumaba At Isang iglap, puso ko'y nahulog na. Ngunit ang ligayang iyon agad may kasamang kirot Nang malaman kong ang kamay mo'y may iba ng kumakapit ng husto Ang tamis ng iyong sulyap, hindi pala sa'kin laan Ang mundo mo'y may iba na palang sentro at kandungan. Huli na ba ako bago paman magsimula? Dumating sa buhay mo nang puso mo'y abala na? Sabi ng isip ko, "Tama na limutin mona siya" Ngunit ang puso'y sumisigaw, "Kahit ganito ikaw parin talaga". Sa panaginip nalang ba kita palaging makakasama? Doon bubuuin ang mundong tayong dalawa ang bida Doon, ang iyong mga ngiti, sa akin lang ibibigay At sa piling ko, ikaw ay maligayang mamumuhay. Kaya iipunin ko nalang ang bawat mong sandali Ang bawat mong tawa at matatamis na ngiti Kahit ang lahat ng ito'y para sa kanya inilaan Para sa akin, isa na itong natatanging kayamanan. Hahayaan ko nalang ganito ang itinakda ng tadhana Mag mamahal sayo bilang anino, Nang walang pag-asa Nabihag mo ako sa unang pagkikita At mananatiling sayo ako, kahit may mahal ka nang iba.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
