Istorya ni Mae
Isang munting gusgusing bata ang nangarap Makakatungtong din sila sa hinaharap Makakaahon din sila sa paghihirap Kaya't kapag pumapasok ng paaralan Gising nang maaga at paghahandaan Bagong umagang pangarap ay makamtan Ilang ilog at bundok dinadaanan Malayo't, nakapaa, masukal at putikan Kaniyang nilalakad, makapunta lamang Sa kanilang klase, siya ang nahuhulî Tuwing pagsusulit, laging humihingi Tuwing recess, nakatulala sa tabi Kahit ganyan ang kaniyang kalagayan Mayrong takdang aralin sa paaralan Papel, tinta at kasipagan kailangan Ang pagpatak ng nalusaw na kandila Sa loob ng bahay na yari sa nipa Nagpupuyat, pilit na ginagawa Sa ilang dekada na kaniyang binata Ang butong itinanim ngayo'y nagbunga Ng sa kaniyang buhay' ikagiginhawa
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
