"ISANG TINGIN LAMANG"
Ikaw ang kaibigan kong lalakihan, Sa bawat problema'y kasama't handang tumulong. Ang tawa nating magkasama'y parang musika sa hangin, Ngunit sa puso ko'y may damdaming hindi maiparating. Tuwing nakikita kitang ngumingiti sa kanya, Sa kanyang mga mata'y ikaw ay natutunaw. Ang puso ko'y nangangasim ngunit nananatiling tahimik, Dahil alam kong sa kanya ka nabibigyan ng tamis ng pag-ibig. Hindi ako nagdaramdam, hindi ako nagagalit, Basta't makita kang masaya ay sapat na sa akin. Ang pag-ibig ko'y isang lihim na dala-dala, Isang pag-ibig na handang maghintay o maglakbay ng mag-isa.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
