Isang Sulyap
I Ilang araw na ang nagdaan, Mula nung huli kitang makita Nananabik ako na ika'y makilala At matanong ang iyong pangalan. II Kamusta na mula sa matagal na di pagkikita, Naririnig mo ba ako mula rito? Umabot ba ang tinig ko papunta Sayo? Sana'y ganon karin. III Kung muling magkita ba Makikilala mo pa kaya ako, Di ko magawang limutin ka Para masabi ko lahat ng aking nadarama. IV Sa bawat araw na litong lito Di ko na alam ang gagawin palagi na lang bang ganto, Ang isip ko'y sayo tumatakbo Pasensya na di ka na mawala sa isip ko. Isang Sulyap lang masya na
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
