Ina,Salamat sa Lahat
Ang iyong mga kamay,malambing at mainit, Nag-aalaga sa akin,mula noon at hanggang ngayon. Ang iyong mga salita,puno ng karunungan,Nag tuturo sa akin ,ng tama at mali. Ang iyong buhay,puno ng sakripisyo at pagmamahal, Ang inspirasyon sa akin,upang akoy magtagumpay.Sa iyong mga yakap,nakakaramdam ng pahinga,Mahal kita , Ina sa buong puso ko. Ang iyong pagmamahal ay aking inspirasyon,Mahal kita ,Ina Ngayon at kailan pamn . At ang iyong pag-aalaga ay aking sandigan, At ipagmamalaki kita hanggang sa huli Ang iyong pagmamahal ay walang katulad,Di nag babago,di mawawala, ikalawang gabay,aking sandigan Ina, Salamat sa lahat ng sakripisyo mo, Sa pagmamahal mo,akoy iyong tinuruan. Sa bawat hirap at ginhawa,nandito ka palagi Mahal kita ,Ina sa buong puso ko
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
