inabandona (pt.II)
Lumakas ang alon ng dagat Mas lumaki ang tagas at halos sakupin na nito ang lahat Takbo! Takbo! Takbo! Paparating na ang alon na kakain sayo! Habang ako ay nawawalan ng hininga, umiiyak, at tumatakbo Ikaw ang unang pumasok sa isipan ko Naalala ko na may hawak kang martilyo At malapit sa bangka, ikaw ay nakatayo At dun ko napagtanto Na baliwala lamang lahat ng pagmamahal na ibinigay ko sa iyo Lumipas ang ilang minuto ng aking walang tigil na pagtakbo, Nakarating rin ako sa ibabaw nito Ikaw ang una kong hinanap Ngunit anino mo na lamang ang aking nahagilap Ako ay iyong nakalimutan O sadyang kinalimutan? Bakit mo ako iniwan? Bakit mo ako binigyan ng kadiliman? Paano at bakit mo ginawa sa akin ito? Ano nga ba iyang mga problema mo? Kasama ba ako dyan? Ako ba ang dahilan ng lahat ng 'yan? Nawala ang aking lakas Dahil alam ko nang kahit kailan ay hindi ako makakatakas Lumulubog na ang barko Ikaw pa rin ang nasa isipan ko May galit ka ba sa akin? Sobrang galit na humantong sa kagustuhan mong pagpatay sa akin Luha ang umuulan Hindi tubig mula sa kalangitan Patuloy lumulubog ang barko At papunta lamang sa kailaliman lahat ng ito Andito pa rin ako, Dahil ako'y inabandona mo
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
