inabandona (pt.I)
Tayo ay nasa iisaang barko Masayang tinititigan ang paggalaw ng mundo Ako'y iyong linulutuan Habang ikaw ay aking sinusulatan Masaya tayong dalawa Na para bang hindi nangangawit ang panga Natapos ang buwan ng Mayo Na tayong dalawa ay nagsasalo-salo Ngunit sa unang araw ng Hunyo, Nag-iba ang takbo ng pag-iisip mo Unang sikat ng araw, Mukhang ang lalim ng iyong tinatanaw Ako'y nagtaka Kung ano nga ba ang iyong problema Sabi mo "wala" Ngunit hindi ako naniniwala At sinubukan mong ibahin ang usapan Sinusubukan mo itong takpan Nang sumikat na ang araw, Dilim na ang aking natatanaw Sumabay pa talaga ang ulan Mula sa pagtulog ko sa aking unan Biglang pumasok sa isip ko ang mga gamit sa labas Ako'y tumayo, at hindi kita nakita sa iyong higaan, kaya ako ay lumabas Nakita kitang nakatayo Mula sa malayo At isinigaw, "May problema sa ibaba ng barko!" Kaya agad-agad akong bumaba at tumungo Nang ako ay nasa ibaba na, Nararamdaman ko ang mga tubig sa aking paa Kaya ako ay nagtaka Hanggang sa nakita ito ng aking mga mata May butas sa pader akong nakita At nagpakita sa isipan ko ang salitang "babala" © Domar Esmabe
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
