ilaw (revised version)
Sabi nila, "walang taong perpekto.", Ngunit hindi ito dahilan upang ika'y sumuko, Patuloy ka pa ring maglakad at tumayo, Kahit ang mga pangarap mo man ay malalayo. Huwag na huwag kang matatakot, Lahat ng pangarap mo'y iyong mahahakot, Huwag na huwag mangangamba, Para sa pangarap, ika'y dapat manumpa. Maglakad ka hanggang makita mo ang liwanag, Naroon ang iyong pangarap na ika'y tinatawag, Kapag malapit ka na sa iyong destinasyon, Magpasalamat ka sa mga tumulong sa'yo noon. Katulad nila, maging isa ka ring gabay, Sa mga taong patuloy pa ring umaalay, Para sa kanilang maliliwanag na mga pangarap, Gabayan mo sila patungo sa maliwanag na hinaharap. Kung sa ngayo'y ika'y nahihirapan, Huwag susuko, dapat patuloy pa ring lalaban, Sa lahat ng nararanasan mong paghihirap, May mga tao ka pa ring mayayakap. © Domar Esmabe
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
