ilaw
Alam kong may mga nakapagsabi na sayo ng walang taong perpekto Ngunit hindi ito dahilan upang ika'y sumuko Patuloy ka pa ring maglakad at tumayo Kahit ang mga pangarap mo man ay malalayo Huwag na huwag kang matatakot Dahil balang araw, lahat ng pangarap mo'y iyong mahahakot Huwag mangangamba Para sa pangarap, ika'y dapat manumpa Maglakad ka hanggang makita mo ang liwanag Makikita't maririnig mo doon ang iyong pangarap na ika'y tinatawag Kapag malapit ka na, Magpasalamat ka At maging isang gabay Sa mga taong patuloy pa ring nag-aalay Para sa kanilang maliliwanag na mga pangarap Gabayan mo sila patungo sa kanilang maliwanag na hinaharap Kung sa ngayo'y ika'y nahihirapan Huwag susuko, dapat patuloy pa ring lalaban Dahil sa lahat ng nararanasan mong paghihirap May mga tao ka pa ring mayayakap © Domar Esmabe
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
