Ikaw parin
Ikaw ang hiling sa tahimik na dilim, Sa bawat umagang ako'y gigising Tanging dala'y luha saking paningin Ngiti mo'y palaging hahanapin. Pangalan mo'y patuloy na babanggitin Sa bawat simbahan na bibisitahin, Patuloy kang nanaisin nang palihim, idadalangin sa tuwing kaarawan ay darating. Ngunit ano ang gagawin kung hanggang ngayo'y ikaw pa rin. Kailan kaya darating ang panahon para sa atin. Paano kung ang taong dahilan ng aking pag tangis ay mayroong ibang nais? Ano ang gagawin kung ang tangi kong hiling ay hindi ibigay sa akin? Paano aking luha sa tuwing pangalan mo'y babanggitin sa panalangin? Paano na ang aking lihim na pagtingin? Patuloy pa rin ba kitang hihilingin sa gabing madilim? Patuloy ko pa rin bang babanggitin ang pangalan mo sa'king panalangin? Ikaw pa rin kaya ang dahilan ng aking pag tangis sa panalangin? Mananatili pa rin kaya sa akin ang salitang "ikaw pa rin"? Hindi ko batid ang hatid ng bukas para sa akin, Subalit sigurado akong ikaw pa rin sa bawat liwanag na sasapit — Ikaw pa rin, kahit na kailan ma'y hindi ka naman naging akin.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
