IKAW ANG DAHILAN
Ikaw ang dahilan ng mga salitang pilit kong binubuo kapag hindi na kaya ng puso kong magsalita. Ikaw ang tinta sa bawat pahinang nabasa ng luha, ang simula ng tula na hindi ko pa rin kayang tapusin. Ikaw ang dahilan ng mga sulat sa bawat kwento ko kahit matagal ka nang wala, ang bawat linya, bawat pangungusap, ay pawang ikaw pa rin. Ikaw ang inspirasyon, pero ikaw din ang sugat. Ikaw ang rason kung bakit ako sumusulat, pero ikaw din ang dahilan kung bakit ako nananahimik pagkatapos. At sa dulo, kahit ilang tula pa ang isulat ko, isa lang naman ang katotohanan ikaw ang dahilan ng mga sulat sa bawat kwento ko.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
