ikaw
Kapag ika'y nahulog Ang iyong puso ay naglalagablab na parang sunog Bakit nga ba ako palaging nahuhulog Kung sa huli'y ako'y palaging nauuntog? Ngunit sa ngayon, kapag ba ako'y nahulog, sasaluhin mo ba ako? O ako ba'y iiwasan mo? Gusto ko nang tumigil ngunit hindi ko kaya Kapag ako'y tumigil, tiyak na mawawala ang aking saya Ikaw ba'y nagtataka kung bakit ayaw kong umamin? Dahil ako'y natatakot na ika'y lumihis rin © Domar Esmabe
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
