ikaw
Ikaw ang paborito kong tula. Ang pinakamahusay na piyesa na aking nabasa. Ang bawat letra , Latudtod , sukat at tugma Na bumubuo sa'yo, Ang dahilan kung bakit muling tumibok ang aking puso. Ikaw ang nagbigay ng tinta Sa panulat kong akala ko'y Hindi na muling gagana. Ginagawa mong pangungusap ang bawat parirala, Kinumpleto mo ang bawat linya, At binigyan mo ng diwa. Oo hindi ka perpekto. Ngunit kung ano man ang 'yong mga pagkululang ay hindi na mahalaga. Dahil sa aking mga mata, Ikaw ang pinakamagandang tula, Dahil nabihag mo ang isang tulad kong makata.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
