Ikaw.
Ang aking mga tawa at ngiti na abot tenga Ikaw palagi ang dahilan sinta, Kakaiba ang nadarama tuwing andito ka Tila gustong palaging ikaw ay katabi na Ikaw ang mutya ng aking buhay, Halaga mo ay walang kapantay, Ikaw ang nagsisilbing kulay Sa pusong dating walang buhay. Mga mata mong tila tala Na sa isang sulyap puso’y nadala, Sa mga ngiti mong kay ganda Ako’y tila nabihag mo na. Hindi kakayanin kung ika’y mawawala Dahil sa pusong ito ikaw ay nakatala na, Gusto palaging ikaw ay nakikita Ng puso kong ikaw ang ligaya.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
