Ikatlong Tula: Pag-amin
Ibong nagsisipagtipon umaawit Naririnig ang tinig mong kay rikit Abang tulad ko, bumangon, lumapit Lupa'y nais maabot ang langit Liriong nasa parang, kung mapapansin Nagagayakan, ugaling mahinhin Sa mabuting lupa'y naitanim Masiglang tumutupad ng tungkulin Tanging ikaw lang talang nagniningning Tintang panglaw, sa iyo'y dumadaing Maapuhap sana aking pagtingin Siyang gumising puso kong nahihimbing Hindi na umaasa pang makamit Yaring damdamin s'yang maibabalik Datapuwat kinakailangang masambit Tinitibok ng puso ay mawawaglit
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
