Ikapitong tula: Ka(-)ibigan
Nagmula sa isang resibo sa Bataan Hanggang ito'y maging kaibigan na lamang Istoryang nais tapusin na sa pag-amin Nagpatuloy, nasaktan lang ang damdamin Walang problema sa pagiging kaibigan Itabi't iwanan ang magka-ibigan Datapuwa't sa puso'y mayroong naiiwan Piliting alisin 'di ito mabitawan Alam kong tulang ito'y napakamaikli Sapat na pitong tula upang masabi Sa ubod ng puso ikaw ang natatangi Salamat! Hanggang maging sa huli at muli
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
