Ikalawang bahagi: Pagsisisi
Nabigyang pagkakataong magharap Tatlong oras sa telepono'y nagusap Sa akin ikaw ay nakipagpuyat Lubos akong nagpapasalamat Tanang ganap tila sangkisap-mata Dumaratal, nalalapit pagsamba Humayo, nag-ayos at nagtalaga Subalit nagkaroon ng problema Sunod-sunod, katawang lubhang lamog Sinasadiyang hindi na matutulog Bagsak sa dulang akong iniirog Sa mga kaaway ako'y nadurog Palagay ko ngang tapos ang gawain Budhi'y sumagot: pagkukulang pa rin Kay raming bagay pang pagbubutihin Maipagbaka dakilang tungkulin Umuwi sa pangalawang tahanan Kinakailangang ito'y magampanan Buong kagalingan at kahusayan Mapaglingkuran dakilang Maylalang Mga salang aking tinatangkilik Hinanap Kaniyang mukha at nagbalik Umiiyak nang labis, humihibik Patawarin anak Mong nagkamali
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
