Ikaapat na tula: Salamat
Napipintong sumikat haring araw Espiritu Santo muling dumalaw Kaniyang pasya maliwanag na tanglaw Kakalag pangamba, tanong, at panglaw Salamat sa Dios ika'y nakilala Hayag na damdamin nating dalawa Sandaling panahong naging masaya Puso't kagyat na lubhang lumuluha Sa'yo'y lubos na nagpapasalamat Ikaw ay isang nababasang sulat Bawat saglit marunong na mag-ingat Pangunahin tungkulin kaysa lahat Isang batong matulis na tumapyas Pusong laman sa aral na matimyas Tila tabak may magkabilang talas Sa sarili ngayon lang natalastas Pagpasensyahan kung pinagpatuloy Nararamdamang 'di dapat matuloy Pag-uusap sa iyo paligoy-ligoy Patawad napaiyak kita tuloy Katapustapusan, nakakalungkot Sa aral ng Dios ito'y malilimot Ariing panaginip masalimuot Ngunit ninanasa nating maabot Sa buhay na walang hanggang sapitin Dakilang pagtawag nitong tungkulin Huwag mawalay, ito ang aking dalangin Puso'y galak, mga luha'y pawiin
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
