Ika-apat na tula: Salamat
Napipintong sumikat haring araw Espiritu Santo muling dumalaw Kaniyang pasya maliwanag na tanglaw Kakalag pangamba, tanong, at panglaw Salamat sa Dios at ika'y nakilala Hayag na damdamin nating dalawa Sandaling panahong naging masaya Puso'y kagyat na lubhang lumuluha Katapustapusan, nakakalungkot Sa aral ng Dios ito'y malilimot Ariing panaginip masalimuot Ngunit ninanasa nating maabot Sa buhay na walang hanggan sapitin Dakilang pagtawag nitong tungkulin Huwag mawalay, ito ang aking dalangin Puso'y galak, mga luha'y pawiin
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
