Ideya ng ikaw
Kung darating ang araw na nais mong malaman ang aking nararamdaman, nais ko lamang na iyong tandaan na ika'y laging umiiral sa aking isipan, ang ideya ng ikaw ay hindi ko matakasan. Ikaw ang paksa na sa bawat papel ay nais kong iguhit, isulat, ipinta. Ang binibining aking naaalala sa bawat bulaklak na madaraanan sa kalsada. Ang unang pumapasok sa'king isipan tuwing nakakarinig ng awiting pang pag-ibig ang genre. Ang babaeng aking iniibig, iniirog, minamahal, hinihirang, sinisinta.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
