HULING PAHINA
Unang buklat, bunyag lahat Masasayang alaala na kahit kailan walang makakatapat. Tamis ng alaala na sobrang saya, Na kahit kailan ay lagi kong dala. Pangalawang bukas, tila bay may konting kakaiba Bawat buklat koy unti-unting nadadarama Kaonting kirot na may halong kaba At tila kalungkuta'y nagsisimula na. Sa bawat pahina napagtatanto ko, Na unti-unti nang sumusuko Pero saglit akoy lumalaban pa Ngunit Ikaw ay bumitaw nalng bigla Kapit padn ako, pero ipaglalaban ko paba? Kahit alam ko na sa akin ay ayaw mo na talaga. Oras na ngaba para gumawa ng bagong kwento, Na ang nilalaman ay hindi na Ikaw at ako. Huling pahina na pala, diko namalayang akoy umaasa pa. Diko na alam kung ano ang dapat kong gawin pa Tila diko yata kayang Ikaw ay mawala na sa piling ko aking sinta Ngunit Wala na akong magagawa at Hindi ko na ipipilit pa. Tanggap kona, na Hindi Tayo para sa isa't-isa Pero lagi mong tandaan na tatanawin parin kita na parang tala Ika'y magsisilbing tugma sa aking mga tula na itatala At gagawing inspirasyon upang marami pang mailatha.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
