Hiram na Sandali sa Langit
Hiram na Sandali sa Langit Ang dami kong gustong ikuwento, isumbong sa'yo, Kung pwede lang sana kita mahiram sa langit, kahit ilang minuto. Gagawin ko, kahit anong hirap, kahit anong pasakit, Subrang miss na miss na kita, Daveence, ang sakit-sakit. Ang daming naipon na kuwento, na hindi mo na mabibigyan ng komento, Ang dami nang luhang naipon, na hindi mo na mapupunasan. Dalawang buwan na lang, graduate na ako, Na sana kasama ka, sana nandito ka sa tabi ko. Subrang daya mo ihh, iniwan mo agad kami, Alam ko na hindi ka matutuwa, kapag malungkot ako. Kasi sabi mo, Ikaw lang ang pedeng magpaiyak sa akin, Pero sana kung nandito ka, sana mas magaan. Sana mas hindi mabigat ang bawat araw na dumadaan, Wala nakong best friend, wala na akong masasandalan. Alam nang lahat, kung ano yung mga napagdaanan natin, At kung ilang daan ang tinahak natin, para hindi masira ang pagkakaibigan. Hindi nga nasira, pero nang iwan ka naman, Daveence, Sana proud ka sa akin, sana masaya ka para sa akin. Lahat ng ito, para sa'yo, para sa ating pangarap, Dalawang buwan na lang, matutupad ko na ang ating pinagsumpaan. Daya mo ihh, nag debut na ako, pero di mo manlang ako dinalaw, Sa panaginip ko, kahit isang saglit, kahit isang t
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
