hindi pa ngayon
Sa bawat titig, lihim kong nadarama, Ang tibok ng pusong sayo’y umaasa. Ngunit tila bituin sa malayong langit, Walang tamang oras, kay hirap abutin. Nais kitang yakapin, hawakan ang kamay, Ngunit panahon pa’y tila nagtatangay. Sa tamang oras, sa tamang sandali, Tadhana’y magtatagpo—ikaw at ako muli.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
