Hindi Biglaan..
Hindi biglaang nangyari ang lahat. Hindi sa isang iglap, gumising akong ayos na ‘ko. Hindi mabilisan. Hindi agaran. Nu’ng sinabi kong kakalimutan na kita, maraming araw pa ring pinatuloy kita sa’king alaala. Mahirap. Para bang hindi na ‘ko sanay mag-isa, para bang hindi na kita makakalas sa’king sistema. Muli’t muli. Tumalikod ako’t tumakbo taliwas sa kinaroroonan mo. Pero napatunayan ko lang na bilog ang mundo, dahil sa paulit-ulit kong paglayo, ikaw pa rin ang nadaratnan ko sa dulo. Pilit akong ibinabalik nitong mga paa — nitong puso — sa’yo. Dahil siguro, hindi ko pa rin matanggap na gano’n lang tayo nawasak, nagwakas, maraming bakas, na p’wede kong balikan para lang masaktan. Dahil siguro, wala rin akong natanggap na patawad, o pakiusap, hindi mo inawat ang mga salitang paalam, salamat. Kaya nagpalutang-lutang ako sa kawalan. Matagal din bago ko nakumbinsi ang sarili na ako ang kawalan. Na lubos, tagos, ang pag-ibig na kaya kong ilaan. Mas malawak kaysa sa kahulugan ng lawak, at mas malalim kaysa sa kaya kong sabihin. Ako ang kawalan. At kung mayroon man akong lulugaran, dapat siguro’y sarili muna bago sinoman. Matagal din bago ko nakumbinsi ang puso’t isipan na kailangan na kitang pakawalan. Dahan-
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
