Hindi Ako ang Pinili
Akala ko sapat na ang mga yakap ko, ang mga mensaheng walang palya, ang pagbibigay ng oras kahit pagod na, at ang mga planong ikaw ang kasama. Akala ko, kapag totoo ang pag-ibig, hindi ito matutulad sa kwentong bigla na lang naputol. Pero mali pala ako — dahil kahit anong buo kong ibigay, puwede pa rin akong iwan nang buo. Hindi ako ang pinili mo. At 'yon ang katotohanang pinakamahirap lunukin. Dahil pinaniwala mo akong ako lang, Habang unti-unti mo palang iniisip kung paano ka lalayo. Ngayon, wala ka na. Wala na 'yong mga "ingat ka ha" sa tuwing uuwi ako. Wala na 'yong "nasa likod mo lang ako," kasi kahit anino mo, hindi ko na masilayan. Pero kahit bitbit ko pa ang bigat ng 'di mo pagpili, isinusulat ko ito hindi para habulin ka muli, kundi para ipaalala sa sarili ko — na minsan, minahal kita nang buo… kahit ako ang nasayang sa dulo.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
