Hiling
Huwag kang umiyak, huwag kang umiyak, huwag kang umiyak Tatlong beses kung sinambit habang ang dibdib ko'y patuloy na naninikip Sa lalim ng hikbi, sa babaw ng budhi sagad hanggang kaibuturan ang dinaramang pighati Sa bawat pagpigil ng paghagolgol Mala kristalis na luha ang dumadaloy Sa mga matang inosente, sa pusong minsan na rin naging imahe May saloobing di masabi-sabi Na naman kalungkuta'y nag-uumapaw Hinihiling na sana'y muling matanaw Ang langit na kulay bughaw.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
