Haze
Kung ako ba ay magbabalik Sa akin pa rin kaya ang iyong mga halik Nararamdaman mo din ba ang aking pagkasabik Sa iyong yakap at pagmamahal ako'y nananabik. Gamit ang papel at ang aking panulat Damdamin ko ay aking isusulat At sa lahat ay aking iuulat Na ika'y minamahal ng isang manunulat. Sa aking pagsisimula Ikaw ang aking gagawing paksa At sayo aking ihuhulma Mga mumunti kong tula. Buksan mo ang iyong mga mata Sa iyo ako'y nahulog na Ngunit sa puso ko may pangamba Paano kung sa puso mo'y may nagmamay-ari na. Ako'y susugal pa ba o bibitaw na.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
