Hawak ko ang Pangarap ko
AKO'Y ESTUDYANTE, hindi ako matalino, hindi ako magaling, subalit para sa pangarap kakayanin kong abutin Maraming humahanga minsa'y marami din ang kumukutya Ngunit lalaban kahit na nahihirapan Estudyanteng dapat na magtagumpay. Maraming mata ang nakasalalay at naghihintay Sa bawat araw na lumilipas, bawat papel na may sulat Ako ito nag-aabang para sa bukas Maraming beses na umiiyak, natutulala, madalas ay napapagod at nanghihina Hating gabi ay gising pa, walang sapat na tulog hanngang umaga Dahil sabi ko nga “Para sa pangarap ako'y magsisikap.” Malayo na pero malayo pa. Sa aking tanawin, panagarap ko'y aabutin May ngiti sa labi at labas ang mga ngipin Ako'y sabik na sabik at kinabukasa'y handang harapin.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
