Gusto
Sa una nating pagkikita; Sa loob ng ating klase ika'y natutulog sa mesa, Nagsabi ang guro"kumuha ng isang pirasong papel at sagutin ito", Ikaw sana aking gigisingin, sapagkat ako'y naunahan ng kaba, Ginawa ko nalang sinulatan ka upang ika'y makapasa. Hindi ko inakala na sa pagtungtong natin sa kolehiyo ika'y nagbago na, Guro ang iyong kinuha at sa pagdaan ng ilang buwan first honor at iyong nakuha, Ako ngayo'y parang si tanga, humahanga sayong mga plataporma. Sa palagay ko ako'y nahuhulog na; Ngunit madami ang nagkakagusto sayo, Mga babaeng kulay porselana ang kutis, matatalino at talentado. Sa tuwing ika'y papasok sa paaralan, hugyaw ng mga kababaihan ang umalingawgaw sa daan, Milyong² babae ang nagkakandarapa para ikaw lamang mahalikan, Kaya ako ito lamang sa gedli tinatanaw ang pustura mong mala anghel. Paano naman ako? kaklase mo noon, hanggang ngayon tanaw ka lamang sa kalayuan; Kelan mo pa kaya ako mapapansin?kahit malang titigan?, Pero kahit hindi mo ko pansinin , ako parin ang unang tagahanga mo , Susuportahan ka sa anumang gusto mo, Dahil yan ang sigaw ng puso at isip ko...
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
