Dumating na..
Dumating na Ang panahong kaya mo na ang mag isa Hindi mo na ulit ako kailangang makasama Ayos na ulit kayo ng iyong pamilya Wala ka na uling nararamdaman Marami ka ng kausap at bagong kaibigan Puno ka na ulit ng gawain sa inyong tahanan Kayang kaya mo na akong makalimutan Alam ko naman Darating din ang panahong hindi mo na ako kailangan Kakayanin mo nang ngumiti ng hindi ako nasisilayan Matatapos ang araw mong hindi ako ang pumapasok sa iyong isipan Tanggap ko Sapagkat una pa lamang ay naghanda na ako Alam kong hinanap mo lang ako noon dahil mag isa ka sa iyong mundo At alam mong hindi ko kayang tiisin ang lungkot sa mga mata mo Masaya ako Sa wakas ay naayos mo ng muli ang iyong mundo Hindi ko pinagsisisihang naging parte ako ng pagkabuo mo Kahit na ang kapalit nito ay ang pangungulila ko sa mga yakap at boses mo Wala akong pinagsisisihan sa lahat ng naging desisyon ko Sa katunayan, nananalangin akong mabuo na ang mga ngiti sa labi mo Kahit na hindi na ako ang kasama mo Kahit hindi na ako ang maging dahilan ng bawat pagtakas mo Huwag kang mag alala, ayos lang ako.. Masaya na ako sa mga iniwan mong larawang babaunin ko sa panibagong yugto ng buhay ko.. -ππ
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
