Di Maipinta
Parang hangin kang dumarampi nang walang paalam. Hindi ko mawari, hindi ko masambit, Ang puso ko'y gulo—di ko maipaliwanag ang sakit. Sa ngiti mong banayad, ako'y napapaisip, May saysay ba sa’yo ang bawat aking paningin? O ako lang ba ang nakakaramdam ng ganito, Habang ikaw ay malaya, hindi alintana ang puso ko? May saya ba o takot ang pintig ng damdamin? O baka ito’y pag-aalinlangan na kay hirap aminin? Gusto ko mang tanungin ang pusong naguguluhan, Ngunit paano kung ang sagot ay mas masaktan? Pilit kong iwaksi, ngunit ikaw pa rin ang laman, Ng mga gabing tahimik at araw na walang laman. Ako'y babae—di sigurado, di tiyak, Kung ito ba'y pag-ibig o isang pangarap na paakyat. Kung ako'y lalayo, baka ako’y manghinayang, Ngunit kung lalapit, paano kung wala kang pakialam? Kaya heto ako ngayon—tahimik, nakikiramdam, Naguguluhan, nasasaktan, umaasang malinawan.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
