Dalaga
Isang dalagita ang aking napagmasdan, nakatingin sa aking mga mata at nakatulala. Siya ay may dala-dalang liham at rosas na lila. Nang ako'y napatingin sa kaniyang mga mata, ako'y namangha sa kaniyang angking ganda. Paano mawawalay ang aking tingin kung ang kaniyang mga mata ay dumadagitab at walang kasing ganda, Habang ang kaniyang mga ngiti naman ay parang isang tala na nagsisilbing liwanag sa aking madilim na kinauupuan. Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon aking sinta, na ang isang marikit na katulad mo'y mapapasaakin na lang bigla kahit walang gayumang naganap sa halip sa malinis na paraan at tunay na pag mamahal na aking taglay.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
