Brown-Out
Ningas ng liwanag bumitaw Nagsisipanaha'y nagsilitaw Ang tanging namamasdang tanglaw Tala, buwan, poste ng ilaw Sandaling makapagpahinga Naudlot, gising yaring diwa Init at lagkit nadarama Katawang hindi maginhawa Kung kapayapaa'y tumirik Sila ay magsisipamanhik Hahalinha'ng lubhang tahimik Paroroong mananaginip
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
