Boses
Boses na naririnig, hindi maiwasan ang sakit, Tuwing naririnig ang tinig na 'yan, hindi mapigilan ang isang emosyon, luhang papatak. Isang araw, araw-araw na naririnig ang mga boses, Utak at puso ang biktima dahil sa mga salitang napakasakit. Hindi maipaliwanag ang nararamdaman, Mga iyak na hindi napipigilan sa umaga, ibinubuhos sa gabi. Halosgus at suntok sa pader, hindi masakit, Ang galit doon ay ibinubuhos, sa madilim na paligid, nandoon ang hulog ng langit. Binalot ng lungkot ang mga boses na naririnig, Puro iyak at halosgus sa gabi, hindi maipaliwanag ang sarili. Gustong mawala, ngunit takot mawala, Sa pagod ngunit ayaw mawala, sa paanong paraan? May dilim na sumisilip, kahit masakit ang nadarama, Hinahanap ang liwanag, sa gitna ng mga boses na nagdudulot ng sugat.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
