Biyahe
Hiniling kong samahan ka sa bawat biyahe ng ating buhay. Pinangarap na maglakbay habang hawak ang iyong kamay. Ninais na—sa tabi mo ay hindi mawalay. Kaya naman tayo ay nangako na aalis ng sabay. At sa daungan ako'y naghintay. Ngunit bakit ganito, papaalis na ang barko. Nasaan ka na, irog ko? At ngayon ay pag-ibig natin naglayag na, Ako'y papuntang timog habang sa silangan ka. Ating bitbit na pasanin ay iisa: Pusong puno ng kalungkutan at pag-aalala. Hinagpis na aking nadarama, Ngayon ay aalis na ng mag-isa. Mahal, mag-iingat ka.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
