Bata
Ako'y isang batang puno ng problema, Araw-araw dinadala Ang mga problemang di masabi, Daihil walang mapagsasabihan, kahit na pamilya'y mayroon ako. Sila nga ba dapat kong takbuhan? Sila nga ba ang dapat kong pagsabihan? Ngunit sila rin ang dahilan ng mga problemang aking pinapasan, Kaya narito ako, gumagamit ng ballpen at papel, Upang ilabas ang mga problemang napakabigat. Kailan kaya ako makakahinga ng maluwag? Kailan ba magiging masaya? Dahil sa buong buhay ko'y hindi pa naranasan ang lumigaya, Subrang bigat ng likod kakapasan ng problema, Hindi na nagawang ibuka ang baba at ngumiti. Walang magawa ang bata kundi tanggapin ang kapalaran, At iminulat lamang ang kanyang dalawang mata sa katotohanan. Napakaraming tanong ang nasa isipan, Problemang di nauubusan, bakit? Bakit ganito ang aking buhay, Na para bang patay, pinapatay ako ng paunti-unti ng aking mga problema. Tinatanong sa isip kung paano nga ba ito malalagpasan? Napakalupit nga ng tadhana, Pero sana'y may liwanag sa dulo ng tunnel, Sana'y may pag-asa pa rin sa gitna ng problema.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
