bakit hindi natin subukan?
sa bawat hakbang na aking tinatahak, ika'y mas lalong nakikilalala. mas lalong napapadama na sa dulo, maaaring walang magiging 'tayo' ayoko lang sanang pagsisihan ang mga bagay. ang mga gabing nilaan, ang mga umagang nasilayan ng may ngiti sa aking labi, ang mga mensaheng nagbigay ng paro-paro sa aking kalamnan. dahil bawat mensahe, bawat araw ay nagbigay ligaya, kung sakaling sa dulo'y wala ngang tayo, marahil magpapasalamat na lamang dahil kahit papaano, minsan ang landas natin ay nagtagpo. naiintindihan ko naman ang iyong punto, kaya nga minsan gusto nalang lumayo, saan nga ba patungo? pero sa tuwing iisipin na nag-uumpisa palang naman, ako'y napapaisip, "malay mo, sa dulo, iba pala, hindi kagaya ng dati." napapailing nalamang minsan, natatawa sa mga bagay na tumatakbo sa aking isipan.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
