Bakit
Gaano nga ba ako kahirap bigyan ng pansin? Kailangan ko pa bang sumigaw, para marinig mo ang katahimikan kong palaging nakatingin sa’yo? Araw-araw kitang nakikita, pero parang hangin lang ako sa paningin mo. Nandito lang ako, lagi, pero ‘di mo man lang ako tinitingnan. Pinipilit kong ngumiti, kahit ramdam ng puso kong unti-unti nang nauupos. Kasi paano kung pansinin mo ako sa araw na napagod na akong umasa? Ginawa ko na ang lahat, ang mga tula, ang mga titig, ang mga lihim na sigaw sa gitna ng gabi. Pero bakit parang ‘di sapat ang lahat ng iyon para magustuhan mo rin ako? Baka nga ako’y ‘di karapat-dapat, baka sa mata mo’y isang anino lang akong dumaraan. Pero sana, minsan, maisip mo rin na may isang tulad kong handang ibigay ang lahat, kahit kapalit ay ang sariling saya. Hindi ko hinihinging ibigin mo ako, ang hiling ko lang— mapansin man lang kahit minsan, na ako’y narito. Tahimik, totoo, at umaasang kahit sa dulo ng lahat ng ito, ay maramdaman mong minsan… may nagmahal sa’yo nang lubos— kahit ‘di mo kailanman nagustuhan
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
