Bagyo
Sa daming tao nakilala ko ikaw ang bumabalik Bawat kilos, salita, at distansya ay may padron Sa bawat salita mo tungkol sakin, impluwensiya'y dumadaloy, sa kabila ng pagsikap ay nababalik rin ulit sa wala Tayo nga ay pinag tagpo ng paulit ulit pero bakit ba? Ilang taon tayo nag iintay, nalungkot, nainis sa pagitan ng ating indibidual na mundo Ngunit nang dumating ang sandali, magkasama, onting usap, hindi pa rin lubos ang ating ligaya Bakit di ako masaya pag kasama kita ngunit hinahanap ko ang presensya mo? Dahil ba kumakapit ako sa mga alaala, na nakikita ko lang ang mga magagandang bahagi? Ano ang nag-iba? Ano ang nagbago sayo? Na parang bagyo ang ating mga emosyon lumalakas ngunit lumulubog ang ating katawan.....sa lungkot? galit? pagkukkulang? hindi ko alam, ngunit nang ika'y nawala, gumaan ang aking himpapawid, muling sumikat ang araw.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
