ATING KWENTO
Mahirap isarado ang ating libro, Kung sa bawat pahina nito, Nakasulat ang masasayang ala-ala mo, Libro na minsan na'ring naging mundo ko, Pero kailangan ko na itong wakasan, Sapagkat meron ka nang ibang naiibigan, Kailangan nang kalimutan ang ating nakaraan, Ang kwentong ikaw at ako ay kailangan ko nang tuldokan, Para ako'y makapag simula, Makabuo ng panibagong kabanata, Na hindi na ikaw ang paksa, At sa bagong pahina batid nito na ako'y masaya, kahit hindi ikaw ang kasama.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
