Araw (part2)
kase ikaw yung tipo ng babaeng hahanap hanapin ko ikaw yung tipo ng babaeng papangarapin ko ikaw yung tipo ng babaeng pinapanalangin ko at ang tipo ng babae na ipagdarasal ko simple lang naman ang isang tulad mo pero ikaw yung simple na hinding hindi ko mahahanap kahit saan pa ikaw yung simpleng babaeng nag iisa ikaw yung simpleng babae na nangingibabaw sa aking mga mata alam ko sa sarili ko na hindi n ako makakakita pa ng gaya mo o ng babaeng hihigit pa sayo sa kadahilanang hindi naman ako maghahanap ng iba pa alam ko na ikaw na ang sagot sa mga dalangin ko kaya naman hindi ko alintana ang oras hindi ko bibilangin ang mga araw at buwan na magdaraan hindi ko bibigyan pansin ang pagsikat ng araw at ang mga gabing dadalaw ikaw lang ang sa isip ko'y palaging mangingibabaw sa pagsapit ng tinakdang araw ako'y handa na haharap sayo handang salubungin ka na puno ng saya handang salubungin ka n may ngiting dala dala handang salubungin ka ng isang yakap na saan ma'y hindi maikukumpara sa pagsapit ng tinakdang araw sa piling ko'y hindi ka na mawawala pa sa pagsapit ng tinakdang araw makakasama na kitang muli at hindi na maghihiwalay pa sa pagsapit ng tinakdang araw ang ikaw at ako tayong dalawa ay magiging iisa na.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
