Araw (part 1)
gabi gabi sa bawat minutong lumilipas haplos mo ang lagi kong hinahanap ung maramdaman ko muli ang paghawak mo sa mukha ko kung papaano tumingin sakin ang magaganda mong mga mata kung papaano ka ngumiti saakin kung papaano mo sabihin ang pangalan ko kung papaano ka tumawa sa mga biro ko kung papaano mo hawakan ang kamay ko kung papaano mo ako yakapin kung papaano mo ako halikan at kung papaano mo ako sabihan ng mga salitang MAHAL KITA. kailan ko kaya ulit mararamdaman ang lahat ng 'yon? kailan kaya ulit kita mayayakap ng mahigpit? kailan kaya kita mahahalikan muli? kailan kaya ulit kita makakasama? para hindi na kita pakawalan pa sa piling ko. ayokong malayo sayo, ayokong mawalay sayo. ayokong malayo sayo na kahit na isang pulgada lang ang layo, o isang metro, o isang kilometro. ayokong mawalay sayo na kahit na isang minuto, o isang araw o isang buwan at taon. nakakatawa man isipin pero nakilala mo ako, nakilala mo ako kung papaano ako sa harap ng iba at kung papaano ako sa harap mo. nakilala mo akong masiyahin sa lahat ng bagay pero iyakin kapag wala ng nakatingin. nakilala mo akong palaging gising pero madalas ay sobrang antukin. nakilala mo akong maalaga sa lahat pero ikaw lang ang nagiisang minamahal ko
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
