ANIM NA PATLANG
Sa bukang liwayway ay unti-unting nawawala ang buwan Ang mga tala ay unti-unti rin nawawalan ng kinang Unti-unti narin nakikita ang mga ulap sa kalangitan Tulad ng iyong ganda'y palagi kong inaabangan. Binibini na parang lakambini Tulad ng Rosas ang iyong mga labi Nais kong mahawakan ang iyong mga pisngi Upang pagod ng puso'y mapawi. Bawat pahina ng aking tula'y ikaw ang dahilan Bawat pantig ng salita ikaw ang nilalarawan Nais ko lamang ipabatid sa bawat taludturan Na sa bawat saknong aking isinulat ikaw ang nilalaman. Bawat patak ng ulan kasama nito ang ligaya Nagtatampisaw habang humahalakhak sa tuwa Ang pagsandal mo sa'king mga bisig ay aking nadama Na masaya ka habang tayong dalawa'y magkasama. Ngiti mo ay walang kapintasan Ang saya nang puso'y hindi mapigilan Lalo pa't alam ko na ang mga ngiti mo ako ang dahilan Subrang ganda mong lakambining nasa kasalukuyan.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
