Ang Paglalakbay Ng Buhay
Inalagaan nang mabuti ngunit sa huli, ito'y namatay 'Wag mag-alala, andyan ang iyong mga kaibigan na makikiramay Lantarang paglalakbay Buwan-buwang may aninong kaakbay Dapat huwag ibuhos ng lubusan ang alay Ang tanging nakakatakot ay ang nararamdaman na palaging nakabantay Hinding-hindi titigil sa pagsulat at pagkulay Walang bulaklak ang magiging kapantay Feel and enjoy the moment, and sigh Huwag matakot na ikaw ay umakbay Care for yourself and it's fine to cry Sabihin sa sarili na ikaw ay magtatagumpay May kapalit mang tunay Tapusin ito hanggang mamatay Lahat ng tula'y binigyan mo ng buhay © Domar Esmabe
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
