"Ang lalaki sa likod ng tula"
Paano ko nga ba sisimulan ang tulang sayo'y nakalarawan, ni hindi nga matumbasan ng kahit anong tinta ang iyong katauhan . ang iyong mga ngiting nagbibigay ng galak, ang iyong mga matang parang bagong usbong na bulaklak Wag mo sanang pagdudahan ang iyong kakayahan , sapagkat hindi mo nakikita ang iyong sarili sa kung paano kita tignan . puno ka ng saya ngunit may kagimba-ngimbal ka ring nakaraan. Puno ka ng dedikasyon at iyon ay aking lubos na hinahangaan. Tila ikay isang lampara sa gitna ng kadiliman nagbibigay liwanag sa mga taong binabalot ng kalungkotan lagi kang nar'yan sa tuwing may mga taong tinatanong ang kanilang sariling kahalagahan, maniwala ka sana sa mga positibong sinasabi nila sayo base sakanilang nasasaksihan . Wag mo sanang isipin ang mga salitang "Mayroon nga ba talaga akong halaga sa karamihan"?
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
