Ang Buhay ng Isang Ina
Ang buhay ng isang Ina ay hindi basta-basta Sapagkat ginugugul nito buong buhay nya sa kanyang pamilya. Di bali di maasikaso ang sarili basta't ang mga anak ay nasa mabuti. Buhay ng isang Ina ay isang malaking sakripisyo na hindi kayang bayaran ng kahit sino. Walang sino man ang pwedeng pumantay sa isang Ina Dahil ang hirap nya'y walang katulad. Siyam na buwan na pagdadala sa sinapupunan hanggang sa paglabas at pagpapalaki'y ika'y ginabayan. Puyat, Pagud at hirap ay walang alintana masilayan lang na maayos ang kanyang mga anak. Luha at lungkot sa kanyang mga mata'y napapawi, sa twing nakikita nya ang mga ngiti sayong mga labi. Ang kalungkutan mo'y kanya ring kalungkutan at ang kasiyahan mo'y kanya ring kagalakan Dahil walang sino mang Ina ang hindi nakakaramdam sa nadarama ng kanyang mga Anak.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
