Ang Aking Pagkakakilanlan
Sa una lang naman. Kahit siya ay iyong pagmasdan, Ugali niya ay hindi mo malalaman. Sa huli,mapupuna mo lang ang kaniyang kamalian. Misteryo ang kaniyang pagkakakilanlan. Mataray,mapang-asar at tahimik ang kadalasang obserbasyon ng iilan. Ngunit, ang kaniyang kasiyahan ay laging nakakubli na lingid sa inyong kamalayan. Palagi siyang umiiyak na paslit kung magbigay ng kahulugan. Mabuti na lang nariyan ang kaniyang kaibigan. Na laging niyang nasasandalan, At siya ay naiintindihan. Kahit ang ugali niya ay hindi maunawaan. Minsang labis-labis kung magpahiwatig ng nararamdaman. Labis kung magalit ngunit may mabuting kalooban. Isang repleksyon kung paano mo siya pakitunguhan, At minsan balat sibuyas katulad ng karamihan. Mabunganga man, Pero siya ay mapagkakatiwalan. Wala man tiwala sa sariling kakayahan. Ngunit, kaya pa din nyang humarap sa isang libutan Iba man ang nakikita nyo sa kanyang katauhan. Sa kaniyang kaloob looban, Isa pa din siyang taong nahihirapan At may pinagdadaanan. Hindi mo man siya ingatan. Tandaan mo na wala ka ng babalikan. Umalis ka na lang dahil sakanya ay wala ka ng katuturan. Sapagkat hindi siya manghihinayang kailaman.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
