Ang aking hiling
Panginoong Diyos, Bigyan niyo po ako ng lakas para malampasan ang lahat ng pagsubok sa buhay na ito. Bigyan niyo po ako ng pag-asa para makita ko ang matuwid na daan. Sa totoo lang po, may mga panahon na nahihirapan akong bumangon at harapin ang bagong araw, pero sinubukan ko para sa aking pamilya. Naalala ko ang mga masasaya at masakit na ala-ala kasama ang lolo at lola ko. Masakit at mahirap man tanggapin, pero kailangan ko alang-alang sa kapakanan ko. Alam ko na ayaw nila na nakikita nila akong malungkot at alam ko na ang lahat mg bagay sa mundong ito ay may simula at may hangganan. Ang tanging hiling ko ay sana sila ay payapa at kasama niyo po ngayon. Ipinag-dasal ko na sana maghihilom ang sugat sa puso kong ito. Gabayan niyo po ako Panginoong Diyos sa matuwid na daan.
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
