Alpabeto
A Aasa sa pangako na Ba Baka kung sakaling nalimutan na Ka Kahapong nakalipas sariwain sana Da Dahil ang panahon ay lumipas na E Enero ang sabi mo sa akin Ga Gagala tayong magkasama Ha Halimuyak ng dagat lalanghapin pa I I-iinom nalang ang pangako sa akin La Lalamutakin ang handang surpresa Ma Mamamangka sa ating ala-ala Na Na dating kay saya Nga ngayon ako ang na surpresa O Oh para bang ako ay isang tanga Pa Palakad-lakad sa kawalan mag-isa Ra Raramdamin ang sakit na biyaya Sa Sasayaw sa patak ng luha ng tanga Ta Tayo sa huli, pero puta may iba ka U Uuwing sugatan sa kahihiyang napala Wa Wala nang babalikan pa Ya Yamot ang nadama, walang hiya ka.
Ad
Poetry Books 50% Off
Bestselling collections from top poets
Shop Now →
